2 American National, Bigong Maholdap

BIGO ANG tatlong holdaper na maholdap ang dalawang American national makaraang pumalag ang isa sa mga biktima na nakakuha ng atensyon ng taumbayan, kamakailan sa Pasay City.

Dumulog sa Pasay City Police ang mga biktimang sina Michael Turner, tubong California, USA at Filipino-American na si Jaime Tubalinal, 52, tubong Nueva Ecija.

Base sa report ng Pasay City Police, naghihintay ng masasakyang bus dakong alas-5 ng madaling-araw sa may EDSA cor. Celle Street, patungong Ninoy Aquino International Airport ang dalawa dahil sa pa-pauwi sa Estados Unidos si Turner makaraang magbakasyon sa lalawigan ni Tubalinal.

Sinabi ni Turner na naglalakad sila sa lugar nang unang lapitan si Tubalinal ng isa sa mga holdaper at tutukan ng patalim.

Isa sa mga kawatan ang lumapit sa kanya at tinangkang hablutin ang dala niyang laptop bag habang nakamasid lamang ang ikatlong suspek.

Samantala, nanlaban ni Turner kung saan sinuntok siya ng ikalawang salarin ngunit nagawa niyang makahulagpos at magtatakbo sa gitna ng kalsada at humingi ng saklolo na nakakuha ng atensyon sa taumbayan sa lugar.

Dito na nagkanya-kanya sa pagtakas ang mga holdaper at iniwan ding ligtas ang biktimang si Tubalinal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.