2 Adik, Laglag sa Bato at Baril

SWAK SA kulungan ang dalawang lalaki na hinihinalang adik sa ipinagbabawal na gamot matapos makuhanan ng Shabu at baril sa isinagawang surveillance operation ng mga awtoridad sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Possession of Dangerous Drugs and Paraphernalia si Fernando Quinto, 48, ng Kahurani St., San Jose, habang paglabag naman sa Election Gun Ban ang kinakaharap ni Mauricio Sapao, Jr., 66, ng Espina St., NBBS kapwa ng nasabing lungsod.

Ayon kay P/Chief Insp. ArsenioRiparip ng Northern Police District Anti-Illegal Drugs (NPDAID), nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa talamak na pagbebenta ng Shabu ng isang alyas Bay sa nasabing lungsod.

Agad na nagsagawa ng surviellance operation ang mga tauhan nito sa pangungu na ni SP02 Fernando Gomboc sa Kahurani St., Brgy., San Jose ng nasabing lungsod bandang alas-11:30 ng gabi.

Dito ay naispatan ng mga pulis ang kahina-hinalang ikinikilos ng mga suspek dahilan upang lapitan at nang kapkapan ay nakuha kay Quinto ang isang sachet ng Shabu habang .22 naman na baril na may limang bala ang nakuha kay Sapao.

Nakakuha pa ng mga drug paraphernalias ang mga pulis sa loob ng bahay ni Quinto na naging dahilan upang bitbitin ang mga ito sa presinto.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.