2 Abu Sayyaf na sangkot sa Dos Palmas kidnappings, tiklo

NADAKIP NA ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot sa kidnapping noong 2001 sa Dos Palmas Resort, Palawan na ikinasawi ng dalawang Amerikanong bihag.

Sinabi ni Mindanao regional military commander Maj. Gen. Ricardo Rainier Cruz na kinilala ang isa sa mga miyembro ng ASG na si Jojo Imam Pai habang kinilala lamang ang isa pa sa pangalang “Aling”.

Parehong naaresto ang mga ito sa katimugang bahagi ng Min-danao.

Maaalala na taong 2001 nang salakayin ng mga bandidong grupo ang Dos Palmas Resort sa Palawan at dinukot ang hindi bababa sa 20 lokal at dayuhan.

Pinugutan ng nasabing grupo si Guillermo Sobero habang binawian naman ng buhay sa rescue mission si Martin Burnham, asawa ng isa sa mga survivor ng kidnapping na si Gracia Burnham.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.