1st Navotas Youth Congress, Magbubukas

SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon idaraos sa darating na araw ng Sabado, Disyembre 8, 2012 sa lungsod ang Navotas Youth Congress sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco na naglalayong buksan ang maraming oportunidad sa larangan ng edukasyon, sports, kabuhayan, at iba pa para sa kabataang Navoteño.

Sa pakikipagtulungan sa National Youth Commission sa ilalim ng pamamahala ni Usec. Leon G. Flores III, CSEE, ipababatid sa mga nakilahok ang iba’t ibang programa ng gobyerno para sa mga kabataan.

Inimbitahan ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang lahat ng youth leaders sa Navotas mula sa iba’t ibang sektor tulad ng school-based organizations, out-of-school youth, religious sector at sangguniang kabataan upang makuha ang iba’t ibang opinyon nila ukol sa mga kasalukuyang problema o isyu, pangangailangan at maging responsibilad nila sa pamayanan.

Nauna nang isinulong ni Mayor Tiangco ang pagbuo ng Navotas City Council for Youth Development Office upang magkaroon ng opis-yal na tanggapan ang mga kabataan kung saan madirinig ang kanilang boses sa pagdedesisyon at pagpaplano ng mga proyekto kaugnay ng pagtataguyod ng patuloy na kaunlaran sa lungsod.

Isinabatas sa pamamagitan ng Sangguniang Panlungsod ang Navotas City Youth Code noong August 28, 2012 upang mapagtibay ang nasabing layunin.

Hinikayat ni Mayor Tiangco ang mga lalahok na “magsilbing boses at mabuting ehemplo sa mga kabataan sa pamamagitan ng pagiging aktibo sa pamayanan at patuloy na magsikap at mangarap para sa patuloy na pagtaas ng antas ng pamumuhay sa Navotas.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.