1st Kagawad na Wanted sa Murder, Tiklo

MAKALIPAS ANG halos dalawang taon na pagtatago sa batas sa kasong Murder, nadakip na  sa pamamagitan ng “Oplan Pagtugis” ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Team ang suspek na aktibong barangay kagawad ng Sitio Dinarayat, Brgy. Tartaro,  San Miguel Bulacan.

Sa ulat na ipinadala ni P/C Insp. Rodolfo G Santiago ll kay P/C Supt. Frank Uyami, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Garry Talusan Y Pengson, 43 anyos, 1st kagawad, at residente sa nabanggit na lugar.

Base sa inisyal na imbestigasyon nina SPO3 Prisco Bello, SPO1 Luisito Hipolito at PO1 Elly Lacsina, dakong alas-5:00 kahapon ng madaling-araw nang madakip ang suspek.

Nabatid na halos magdamag na binantayan ng mga tauhan ng CIDT ang lugar makaraang makatanggap ng impormasyon na uuwi ito sa kanilang tahanan.

Inaresto si last termer Kagawad Talusan sa bisa ng alias warrant na ipinalabas ng RTC Branch-14 sa kasong Murder.

Matatandaang napatay umano ni Kagawad Tausan, kasama ang isa pang hindi nakilalang suspek, ang biktimang si Anthony Pangilinan Y Beo noong Abril 16 2010 ganap na alas-10:15 ng gabi sa pamamagitan ng pamamaril.

Samantala, detenido ngayon ang aspiranteng barangay kapitan sa Bulacan Municipal Jail, kung saan walang piyansang inerekomenda ang korte.

(TONY DELA PEÑA) 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.