1st impeachment case vs P-noy, minaliit

WALANG NAKIKITANG PUWANG ang karamihang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso para umusad ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Nabatid na inihain ito ni Atty. Oliver Lozano dahil sa umano’y betrayal of public trust makaraang hindi payagan ang paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani o gawaran ng full military honors, matapos ang isang konsultasyon.

Si Lozano ay kilalang Marcos loyalist na ilang ulit na tumakbo sa iba’t ibang posisyon sa ilalim ng partido ng dating pangulo na Kilusang Bagong Lipunan (KBL).

Ngayon pa lang ay mistulang “dead on arrival” na ito ayon kina House justice committee chairman Niel Tupas, Jr. at Eastern Samar Rep. Ben Evardone dahil walang kahit isang mambabatas ang naghahayag ng pagnanais na mag-endorso ng nasabing reklamo.

Duda siya na kahit ang mga miyembro ng oposisyon ay hindi susuportahan ang reklamo ni Lozano, giit pa ni Evardone. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.