Mariel Rodriguez, napa-praning sa pag-iisip kung saan galing ang BMW ni Zanjoe Marudo?!

INIINTRIGA ANG PAGKAKAROON ni Zanjoe Marudo ng bagong BMW. Hindi pa naman daw gano’n kalakas kumita ang binata para ma-afford bumili ng gano’ng luxury car. May mga nag-iisip nga na hindi raw kaya isang mayamang benefactor ang nagbigay nito sa aktor?

Malay naman nga natin kung bukod sa regular show niyang Banana Split ay may iba pang raket o pinagkakakitaan itong si Zanjoe? O, ‘di kaya ay may naitayong business na pinagkukunan ng karagdagang income? Puwede ring naging masinop siya sa paghawak sa kanyang pera at sinikap makapag-ipon para makabili ng pinapangarap na magarang sasakyan.

Sa showbiz naman kasi, kapag guwapo at ma-appeal na kagaya ni Zanjoe, hindi maiwasang magkaroon ng isyung baka may bigtime na gay or matronang benefactor na nagpu-provide ng luho.

Maganda sanang hingan ng panig niya si Zanjoe hinggil dito. Ang kaso, ‘yong mga taong close sa kanya, may paunang warning na ayaw raw ng aktor na natatanong sa anumang issue o intriga sa kanya. Pikon daw kasi ito at madaling ma-bad-trip.

Kahit ang girlfriend nito na si Mariel Rodriguez, hindi rin daw feel na nauusisa tungkol sa anumang negatibong isyu tungkol kay Zanjoe. Nasisira rin daw ang mood nito.

We’d like to ask Mariel din sana regarding sa tsismis na nagtataka at medyo napapraning diumano sa pag-iisip kung paanong agad-agad ay nabili ni Zanjoe ang inaasam na luxury car.

Anyway, expected na ang ganyang klaseng intriga sa kanila. And it’s their right kung pipiliin nilang huwag nang mag-react pa at manahimik na lang.

MATUNOG ANG USAP-USAPANG kasunod ng ibang alaga ni Anabelle Rama ay lilipat na rin daw sa TV 5 ang anak niyang si Ruffa Gutierrez. Maganda raw kasi talaga ang alok ng nabanggit na network. Offer na hindi raw kaya ng iba.

“Well, they’ll still be able to watch me on The Buzz,” sabi ng actress-TV host. “Regarding offers from different stations, siguro in due time, malalaman n’yo rin ang desisyon ko. Ayoko munang magsalita tungkol do’n.”

Lately, katakut-takot na intriga ang kinasangkutan ni Ruffa involving her fellow Kapamilya stars na sina John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao. Ang pinakahuling matinding isyu nga, ‘yong diumano’y pagpapadala raw ng nasty text messages nitong si Shaina sa kanya.

Ang hinihinalang ugat ng alitan ng dalawa – si John Lloyd na naunang na-link kay Ruffa at sabi’y inahas ni Shaina na siyang pinakahuling nauugnay sa aktor. May kinalaman nga ba kaya ito sa balita ngayong malamang na umalis na siya ng Channel 2 at lumipat sa Singko?

“I’m really used to intrigues. I’m already in the business since I was 13. So far, these silly intrigues were nothing. I’ve already experienced real life and real problems. So para sa akin, these are so petty talaga. You know, for me… I’m just happy. I’m very content with my life.”

Speaking of Shaina, natutuwa raw si Ruffa na finally, natuldukan na ang gusot at mga intri-intriga sa kanilang dalawa.  Ito’y matapos silang pagharapin on a meeting which was set by Star Magic’s heads na sina Johnny Manahan at Mariole Alberto.

Nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na magkausap, magkapaliwanagan, at bigyang-linaw ang bawat isyung pilit na pinagsasabong sila lalo na nga ‘yong tungkol sa nasty messages na natatanggap ni Ruffa na hinihinalang galing sa dalaga.  Si Shaina rin daw, may gano’ng messages na nari-receive na ang akala naman nito ay galing kay Ruffa.

“We really had a nice calm talk. But ‘yong details, hindi na lang siguro ako magsasalita about what really went on inside the room kung saan kami nag-usap. Kasi siyempre private na ‘yon. Ang importante, walang problema. And there’s no reason for us to have a conflict or whatever. Like I said – I’m fabulously single.

“To make it clear – hindi sa amin nanggagaling ‘yong mga messages na ipinadadala sa kanya. At hindi rin sa kanila nanggagaling ‘yong mga messages na ipinadadala sa amin. So, I guess there was a third party involved who was trying to create intrigues.”

Well… sana’y paimbestigahan din at sikaping alamin kung sino ang mahaderang third party na ito. Kung talaga ngang meron, huh!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

9 thoughts on “Mariel Rodriguez, napa-praning sa pag-iisip kung saan galing ang BMW ni Zanjoe Marudo?!

  1. lahat ng lalaking artista pahada sa bakla obvious ba dami projects ni zanjoe kahit di marunong umarte, alam ni deo edrinal yan

  2. wala kayong paki kung san nanggaling ang BMW nya! ngwork xa at ngipon out na kau dun dahil di naman kau ang nghirao para makuha yun! kesa mabaliw kayo sa pagiisip ng wlang katuturan atupagin ninyo ang sarili at pamilya nyo! mga bakla!

  3. mga tao talaga mapanghusga… marami naman project c zanjoe.. sasabihin bigay yung bmw… parang nakita nila binigay kay zj ang bmw.. tsk.tsk ….. wala naman nakita puro haka..haka…. dito sa america maraming pinoy bmw ang car.. ,, its not bigdeal kung bmw ang car ni zj..

  4. mariel mas maganda nga sayo si papa bading. no way na piliin ka nyan ano nga ba naman at ipagpalit nya ang BMW kung sayo lang. i agree with chicadora, kung super pretty ka siguro at merong special sayo mas kaw pipiliin nyan kahit ganung kayaman ang bading, right arnold V? hahahaha

  5. nakakatawa ang article na ito!

    second hand ang bmw z4 sports car ni zanjoe atska ibenenta na niya ang luma niyang bmw x5 na sasakyan.

    antagal na sa showbiz ni zanjoe, marunong po magipon yan dahil ang luho niyan eh puro sasakyan.

    kaya sa ng sulat,umayos ka!

  6. Baka naman 1 series lang? Hindi naman talaga kamahalan ‘yun, eh.

  7. ang daming baklang producer at alaga ang abs saan pa ba mangagaling yan?…kaya nga may shows pa yan kahit engot sa pagarte..ika nga pagkumapit ka sa bading magniningning ang career sa abs..kaya mariel iarimundingmunding mo na yan..lol..kaw wala pa ba binibigay sa yo yung boss mong manyak sa wowowee?…ikaw rin si sam pinto na raw laruan nya..

  8. Hay naku..Mariel. Aminin mo na na me kahati ka sa Papa Zanjoe mo. Hindi ka nag iisa. mas maganda ang Papa Vakla kesa sa iyo kasi afford mag give ng BMW.

    Katulad ka na lang ni Arnold Vegafria na me kaagaw. Kaso mas maganada ang kaagaw naman ni Arnold ke Marco Alcaraz kasi Beauty Queen baga!!! Talo si Arnold. Win si Beauty Queen.

    Daapt mag ask ng tulong si Arnold ke Krista Ranillo na alaga niya kung paano mang agaw…este..si Arnold pala ang naagawan. Hala..ang karma ni Krista..napunta ke Arnold Vegafria!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.