19 Bata, Nalason sa Galumbang

UMAABOT SA 19 na bata ang isinugod sa pagamutan matapos umanong malason dahil sa pagkain ng bunga ng galumbang (nut tree) sa Barangay San Nicolas 1st sa Sasmuan, Pampanga kamakalawa ng gabi.

Lumalabas sa ulat ng mga awtoridad, bigla na lang nagsuka ang mga bata nang umuwi sa kani-kanilang mga bahay matapos maglaro.

Base sa report, kuwento ng isa sa mga bata na naalason, pumitas umano sila ng bunga ng puno ng galumbang at saka pinamahagi sa mga kalaro.

Samantala, patuloy pa ring sinusuri sa Diosdado P. Macapagal Memorial Hospital ang mga nalasong  bata.

Sinabi naman ni Dr. Darwin Cruz, resident doctor ng naturang pa-gamutan, na kailangan pang obserbahan ang lagay ng mga bata.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.