188 Nabiyayaan ng Libreng Serbisyong Medikal

AABOT SA 188 katao, kabilang ang 78 matatanda at 110 kabataan, ang nabigyan ng libreng serbisyong medikal sa Caloocan City.

Pinangunahan ng 1 Ang Pamilya Partylist, katuwang ang American Chamber of Commerce (AMCHAM) Foundation at ng Pamilya Ay Yaman Ng Lipunan (PAMAYANAN) Inc. na pinamumunuan ni Myrissia “Beng” Tabbada  ang Medical Mission sa Gen. Tinio St., Brgy. 132, Zone 12, Caloocan City noong Hulyo July 21, 2012.

Hindi alintana ng tatlong medical doctors sa katauhan nina Dr. Jocelyn Ng Serrano, Dr. Margaret Magbitang at Dr. Maria Ladynielle Cruz kasama sina Jethro Bugting, nurse, at Medtech Arnel Quilantang ang masungit na panahon para bigyan ng libreng pagsusuri ang mga pasyente sa lugar.

Pinasalamatan naman ng 1 Ang Pamilya Partylist si Chief Supt. Antonio Decano, director ng Northern Police District sa deployment ng 14-man team sa pangunguna ni PO3 Dante De Vera para magbigay ng seguridad sa lugar.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.