1,853 huli sa sigarilyo

UMABOT NA SA 1,853 katao na naninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa Navotas ang nadampot noong nakaraan taon sa nasabing lungsod.

Ayon kay Navotas Mayor John Rey Tiangco, pinagmulta ang mga nahuling mga naninigarilyo at mas tataasan pa ang multa kapag muling mahuhuli upang magdalawang-isip na ang mga ito na magyosi sa mga pampublikong lugar sa lungsod.

“Mahigpit na pinatutupad ang smoking ban sa lungsod dahil na rin sa masamang idinudulot nito sa kalusugan ng tao at ma-ging sa kalusugan ng lungsod,” sabi pa ni Tiangco.

Nabatid na bukod sa multang P300 hanggang sa P1,000, dadaan din ang mga mahuhuli sa isang seminar.

(MARY H. SAPICO/ ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.