183 Katao, Tinamaan ng Food Allergy sa South Cotabato

 

KORONADAL CITY – NASA maayos na ang kalagayan ng umaabot sa 183 katao na tinamaan ng food allergy sa Barangay Lamfugon, T’boli, South Cotabato.

Ayon kay Dr. Rogelio Aturdido Jr. provincial health officer ng South Cotabato sinabi nito na uulamin sana ang 16 na tray ng isdang Burot sa Tribal Day ng tribung Ubo at T’boli sa nabanggit na lugar.

Ngunit napag-alaman na bulok na ang nasabing mga isda kung kaya’t hindi na ito iniluto. Subalit may mga pamilya pa ring kumuha at nag-uwi nito sa kanilang mga tahanan.

Matapos kainin, nakaramdam umano ng pangangati ng katawan at pagsusuka ang mga biktima kung saan ilan sa mga ito ang dinala sa ospital.

Kulang sa preparasyon at hindi na-preserve nang maayos ang nasabing mga isda na naging dahilan ng maagang pagkabulok ng mga ito, dagdag pa ni Aturdido.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.