18 patay; 2 sugatan; 10 pa nawawala sa hagupit ng habagat

UMABOT NA sa labing walong katao ang bilang nga mga natabunan nang buhay matapos gumuho ang lupa na tumabon sa mga kabahayan sa Brgy. San Isidro sa Subic, Zambalaes habang nasa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan ng habagat linggo ng gabi habang sampu pa ang nawawala at dalawa naman ang sugatan.

Sa inisyal na report ni Provincial Disaster Risk Reduction Management officer Graciana Macabare, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Botec Cabalic, 84; Merlyn Ednalaguim; Brian Bueno; Jenalyn Bueno; John Clifford Bueno, 11; Seanly Bueno, 9; Charlyn Bueno, 8; at Ian Dimalanta, 4, sa Brgy. San Isidro.

Sa Brgy. Wawandue, ang mga namatay ay sina Ryan Ecujardas, 7; Kian Ejardas, 5; Rolly Ecujardas, 30; Jesal Bacos, 24; Danilo Cuanan, 43; Juvelyn, 19; Daniela, 12; Daniel, 10; at Doray, 5, pawang pamilya ni Cuanan.

Natagpuan din sa lugar ang isang Joshua Ytac at kapatid na Rosalie na wala na ring buhay.

Kinilala naman ang mga nawawala na pinaniniwalaang nabaon nang buhay dahil sa malambot na putik mula sa gumuhong parte ng lupa na sina Rolando Tapec, 34; Suzzette Gomez, 22; Christian Flores, 4; Cristina Joy Flores, 3; at April Jocette Flores, 5 buwang gulang na sanggol.

Maging ang pamilya Lagasca na binubuo ng limang pamilya ay sinasabing nalibing nang buhay sa landslide ng Brgy. Balaybay sa bayan ng Castillejos.

Habang naputol naman ang kaliwang bahagi ng braso ni Alfred Abenales, 23, welder ng Hanjin Shipyard, na tumalon mula sa kanilang bintana habang nabali naman ang binti ni Ace Flores, 25, na tumalon din.

Ayon naman kay Cong. Jeffrey Khonghun ng 2nd District ng Zambales at kanyang anak na si Olongapo City Mayor Jefferson, patuloy ang kanilang retrival operation sa mga biktima ng landslide.

(TONY DELA PEÑA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.