18 Pamilya, Napiling Benepisyaryo sa Housing Project

LABING-WALONG PAMILYA ang napiling maging benepisyaryo sa ikatlong grupo sa Angat Navotaas Housing Units, isa sa prayoridad na proyekto ng pamahalaang lungsod, ang Navotaas Socialized Housing na pawang mga apektado noong nakaraang bagyong Pedring.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 100 kabahayan ang naitayo at may 32 pamilya na rin ang nakatira, kung saan ang huling gripo ay nai-turn over noong nakaraang Sabado sa Navotaas Socialized Housing Site sa Barangay Tanza, Navotas City na unang nagsimula noong December 16, 2011 at ikalawa ay noong January 11, 2012.

Naging matagumpay ang naturang proyekto sa pamamagitan ng P16-Million Priortiy Development Assistance Fund (PDAF) ni Navotas Congressman Toby Tiangco sa taong 2010, at 2011 financial loan bilang dagdag sa pondo ng housing project ng Navotas LGU.

“This project aims to provide a clean and safe environment for Navoteños who have been affected by natural calamities and on-going construction of coastal dike along the city’s coastline,” Tiangco said.

Pinagsisikapan din ni Navotas Mayor John Rey Tiangco na makapag-engganyo pa ng mga donor at makalikom  ng malaking pondo sa naturang proyekto at makumbinsi ang ‘Habitat for Humanity’ nang sa gayon ay makumpleto ang 500 kabahayang itatayo para sa mga Navoteños.

Sa kasalukuyan, ang nasabing organisasyon ay naglunsad ng Youth Build for Navotas na kinabibilangan ng higit sa 2000 kabataan lider sa Asya ang inaasahan magbibigay ng kanilang boluntaryong serbisyo sa darating na May 12, 2012.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.