18 Katao, Sugatan sa Nabalahong Bus

AABOT SA 18 katao ang sugatan makaraang maaksidente ang isang pampasaherong bus galing Bicol paluwas ng Maynila kamakalawa ng madaling-araw sa Pagbilao, Quezon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang bus habang tinatahak ang New Diversion Road bandang alas-3:30 ng madaling-araw.

Sa ulat ni PO3 Allan Palqueza , imbestigador ng Pagbilao PNP, nawalan ng preno ang bus saka natanggal ang gulong nito dahilan para mabalaho sa kanal.

Ayon pa kay Palqueza, inalis ng mga rescue team ang naturang mga biktima mula sa bus kasama na ang drayber at agad na isinugod sa malapit na ospital.

Lumalabas din sa im-bestigasyon na umuulan sa naturang lugar at naging

madulas ang daan nang mawalan ng kontrol ang bus.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.