18 Katao, Patay sa Cholera sa Sorsogon

LABIS NA naalarma ang ilang mga residente sa lalawigan ng Sorsogon matapos na maitala ang 18 bilang ng mga nasawi dahil sa Cholera.

Base sa report na ipinaabot ng Sorsogon Provincial Hospital sa pamumuno ni Dr. Edgar Garcia, kinumpirma nito ang nasabing bilang ng mga namatay sa loob lamang ng tatlong buwan.

Ayon sa nasabing opisyal, 12 ang naitalang binawian ng buhay mula sa lungsod ng Sorsogon, tatlo sa Gubat, isa sa Castilla habang isa naman sa Bulusan Sorsogon.

Dahil dito, muling nagpaalala ang opisyal sa mga residente na mag-ingat kasabay ng mahigpit na kampanya kontra sa naturang nakamamatay na sakit.

Sinasabi ring dahilan ng pagkamatay ng mga biktima ay ang nakuhang “fecal ecoli” sa mga ilog sa nasabing lalawigan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.