18 Estudyante, Sinapian ng Masamang Espiritu

LABING-WALONG ESTUDYANTE ng Crossing Bayabas National High School sa Toril, Davao City ang sinapian umano ng masamang espiritu.

Ayon sa principal na si Evelyn Magno, alas-7:15 ng umaga kamakailan nang unang magwala ang isang estudyante matapos ang flag ceremony.

Ilang minuto matapos nito ay sunud-sunod na ang iba pang mag-aaral sa pagwawala.

Karamihan sa uma-no’y nasapian ay ilang 4th year students.

Duda ng mga guro sa nasabing paaralan, sanhi ng pagkagalit ng espiritu ay ang pagputol ng puno ng talisay sa naturang lugar.

Dito umano itinayo ang apat na bagong silid-aralan, na itinurn-over lang noong Agosto 31.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.