18 anyos na estudyante, nagbigti-patay

CAUAYAN CITY, ISABELA – Nagpakamatay ang 18-anyos na high school student sa San Mariano, Isabela sa pamamagitan ng pagbigti sa loob ng kanilang bahay.

Ang wala nang buhay na katawan ni Jonathan Romualdo, 4th year high school student sa Daragutan, West, San Mariano, Isabela ay natagpuan ng kanyang nakababatang kapatid.

Sa pagsisiyasat ng PNP San Mariano, idineklarang dead on arrival sa San Mariano Community Hospital si Romualdo matapos isugod ng kanyang bunsong kapatid at pinsan.

Wala namang iniwang suicide note si Romualdo kaya palaisipan sa kanyang mga kapamilya ang dahilan ng kanyang pagpapatiwakal. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.