18-21 Edad Para sa SK Officials

HINDI DAPAT menor de edad ang mga nauupong opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK).

Base sa inihaing House Bill 1333 ni Valenzuela City Rep. Magtanggol Gunigundo, aamyendahan nito ang age requirement sa mga kumakandidato sa SK na mula 15-17 taong gulang ay magiging 18 hanggang 21 na ang edad.

Pinuna ni Gunigundo na ang sistema ngayon ng SK ay may-access ang mga menor de edad sa public funds subalit sa sandaling magkaroon ng misappropriation o malversation ay hindi maaa¬ring kasuhan ang mga ito ng graft o korapsyon.

Sinabi pa nito na kung susumahing mabuti, lumalabas sa datos ng Comelec at National Youth Commission ay hindi naman tunay na kinakatawan ng SK ang buong populasyon ng mga kabataan.

Inihayag  ng NYC na ang populasyon ng mga kabataan sa bansa ay 27.8 milyon habang ang re¬gistered SK voters ay 2.4 milyon lamang.

Nakasaad din sa panukala ang pag-aalis sa kanilang porsyento sa alokasyon ng Internal Revenue Allotment (IRA).

Samantala, dito ay aabot sa P9.25 bilyon ang matitipid ng pamahalaan na maaaring ilaan para sa training ng mga guro para sa K to 12 program.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.