17,000 puwersa ng PNP at AFP, ipinakalat sa transport strike

UMAABOT SA HIGIT 220 na mga sasakyan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ipinagamit para sa mga pasaherong posibleng maapektuhan ng malawakang transport strike ngayong araw.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director chief Alan Purisima na ilalagay sa full alert status ang seguridad sa buong Metro Manila habang naka-handa na rin ang deployment ng kanilang puwersa sa mga strategic places.

Umaabot sa higit 17,000 tauhan mula sa NCRPO, AFP at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ipakakalat, dagdag pa ni Purisima.

Partikular na tinutukan ng mga awtoridad ang mga lugar na siyang apektado ng strike at maging sa lugar na posibleng magkaroon ng kilos-protesta ng mga militanteng grupo. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.