17 Estudyante, Sinaniban ng Masamang Espiritu

LABIMPITONG ESTUDYANTE sa isang pampublikong paaralan sa Cebu ang sinapian umano ng mga masasamang espiritu.

Kinailangan pang suspendihin ang klase sa lahat ng antas sa Jaclupan National High School sa Talisay City ng nasabing lalawigan matapos umanong saniban ang ilang 4th year high school students sa isang open class room.

Nagulantang ang kla-se nang unang sumigaw ang isang nakaupo na estudyanteng babae pasado alas-9:00 ng umaga kamakailan at biglang naging lalake ang boses nito.

Tinulungan siya ng mga kaklase ngunit sila rin ay biglang nawala sa sarili at parang nasapian na rin umano ng masamang espiritu.

Agad na dinala ang mga estudyante sa Mary’s Little Children Community sa Barangay Tabunoc, na pinangasiwaan ng kilalang exorcist na si Msgr. Fred Krekeenbeck.

Nag-pray-over si Msgr. Krekeenbeck sa mga nasapiang estudyante, pinakum-pisal at ang iba ay isinailalim pa sa religious seminar.

Samantala, isang maitim na matandang babae umano ang nakita ng mga mag-aaral bago sila saniban ng masamang espiritu.

Hinimok naman ng chaplain ng Mother of Perpetual Help Parish sa Barangay Jaclupan na si Fr. Nestor Atillo ang mga mag-aaral na magdasal at sumali sa mga gawain ng Simbahan upang malayo sa mga masasamang elemento. (PARAZZI REPOR-

TORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.