17 Election-Related Violence, Naitala; 48 Pribadong Grupo, Mino-Monitor

UMAABOT NA sa 17 ang election-related violence na naitala ng pambansang pulisya simula nang mag-umpisa ang election period noong buwan ng Enero hanggang April 26 nitong taon.

Sinabi ni PNP chief Police Director General Alan Purisima na base sa kanilang isinagawang validation sa lahat ng mga insidente na lumalabas, 17 rito ang maituturing na may kinalaman sa halalan.

Nabatid na ang nasabing mga insidente na may kaugnayan sa halalan ay nasa 15 tinaguriang priority areas na una nang inihayag ng PNP.

Ayon kay Purisima, patuloy ni- lang minomonitor ang 48 private armed groups sa buong bansa, criminal groups at intense political rivalries.

Inihayag naman ni PNP spokesman C/Supt. Generoso Cerbo na mayroong 180 intense political rivalries ang kanilang namonitor sa buong bansa at umabot na sa 356 peace covenants ang pinangunahan ng PNP.

Samantala, nasa 65 criminal groups naman ang namonitor sa 15 priority areas na mayroong 725 na kasapi na armado ng 315 na matataas na kalibre ng armas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.