17 Dumukot sa 2 Fil-Algerian,Tukoy na

PINANGALANAN NA ng militar ang 17 mga hinihinalang kasapi ng Abu Sayyaf Group (ASG) na itinuturong responsable sa pagdukot sa magkapatid na Fil-Algerian sa Patikul, Sulu.

Lumalabas sa report ng isa sa opisyal ng militar sa Sulu, kinilala nito ang mga bandido na sina Nenuk Sappari, Bensawdi Sappari, Dalwen Gapul, Gapul Jumdahel, Angkih Haraja, Radzmen Haraja, Neksun Avdul Mari, Jahari Bakad, Jimel Majidul, Isang Nakilalang Dennisnammel Hajari Alyas Gapas, Rujil Sajih, Rujil Samlahun, Almujin Waleng, Mundi Sawadjaan, Ondil Husin Anak at ang ika-17 na nakilalang si Mujil Eyada.

Maaalala na na dinukot ang magkapatid na sina Linda Abdel Basit at NADOVA ABDEL BASIT sa Patikul, Sulu noong nakaraang linggo habang nakasakay sa isang jeepney.

Samantala, base sa ilang impormasyon, nasa kamay na ngayon ng ASG sa Sulu ang mga biktima subalit wala pang malinaw na ulat  kung may ransom demand na para sa kalayaan ng mga ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.