17-Anyos, Nakaligtas sa Magsasakang Manyak

 

NAUDLOT ANG tangkang panghahalay ng isang magsasaka na dumaan sa bintana ng kapit-bahay makaraang masilip nito ang makinis na hita ng isang 17-anyos na estudyante sa Brgy. Maronquillo, San Rafael, Bulacan kahapon.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Rodolfo Boy Hernandez kay PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang nadakip na suspek na si Renato Taneria Y Serrano 32 anyos, may-asawa, magsasaka, at residente sa nabanggit nalugar, samantalang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Selya.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-11:50 ng umaga nang maganap ang tangkang panggagahasa sa biktima.

Ayon sa dalaga, dumaan sa bintana ng kanilang tahanan ang suspek, kung saan bigla na lamang siyang dinamba at sapilitang ipinasok sa isang kuwarto ng kanilang bahay mula sa hinihigaan nitong sopa sa salas.

Aniya, nagpipiglas siya sa suspek, subalit sadyang malakas ang suspek kung saan nagawa nitong matanggal ang kanyang pantalon at maging ang kanyang panty.

Nabatid na naudlot ang panghahalay sa biktima nang bigla na lamang dumating ang mga magulang nito, dahilan upang lumundag sa bintana ang suspek at mabils na nagtatakbo papalayo, subalit  agad na nakahingi ng tulong ang ina ng biktima sa mga kapit-bahay dahilan upang agad na madakip ang suspek.  (TONY DELA PEÑA) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.