17-Anyos na Dalaga, Nabaril ng 11-Anyos

LIGTAS NA sa peligro ang isang dalaga na dinala sa pagamutan matapos matamaan ng bala ng airgun sa Upper, Mainit, Malungon, lalawigan ng Sarangani.

Kinilala ang biktima na si Criselda Malik, 17, residente sa nasabing lugar.

Ayon sa ama ng dalaga na si Bernardo Malik, natagpuan ng kanyang apo na si alyas Dodong, 11, ang airgun na inilagay sa likurang bahagi ng kanilang dingding.

Hindi namalayan na pinuntirya umano ng apo nito ang airgun sa kanyang anak at pumutok kaya’t natamaan ang biktima sa leeg.

Inamin ng ama ng dalaga na nakalimutan niyang kunin ang bala ng airgun matapos ang plano sanang pamamaril ng mga ibon sa farm.

Samantala, nananatili pa rin sa ospital ang biktima at nagpapagaling na sa natamong sugat. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.