168 Atleta sa Palarong Pambansa, Tinamaan ng Diarrhea

PINAIIMBESTIGAHAN NI Negros Oriental Governor Roel Degamo ang insidente kung saan umaabot sa 168 atleta na kalahok sa taunang Palarong Pambansa ng Department of Education ang nagka-diarrhea.

Tiniyak ni Degamo na tututukang maigi ng pamahalaang lokal ng Negros Oriental ang nasabing kaso, kung saan nagbabala ito na huwag basta-basta bumili ng mga pagkain sa kalye.

Una nang nai-report ni Office of Civil Defense (OCD) Region 7 Director Minda Morante na karamihan sa mga atleta na tinamaan ng diarrhea ay mula sa Tacloban o sa Regiona 8.

Sinabi ni Morante na nakaranas ng ma-tinding pananakit ng tiyan at pagdudumi at ilan sa mga atleta ay kinailangan pang dalhin sa Negros Oriental Provincial Hospital.

Lumalabas sa  inisyal na pagsusuri, ang ininom na juice ang dahilan ng pagdudumi ng mga atleta.

Samantala, alas-3:30 ng hapon kahapon, nagbukas ang nasabing palaro kung saan mahigit 8,000 atleta mula sa 17 rehiyon ng bansa ang magtatagisan sa iba’t ibang sports event.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.