16 Sugatan sa Lindol sa Bukidnon

UMAKYAT SA 16 katao ang sugatan nang tamaan ng 5.2 magnitude na lindol ang lalawigan ng Bukidnon Lunes ng hapon.

Ayon kay Capt. Alejandro Laroza, executive officer ng City Risk Reduction Council, as of 6:00 AM yesterday, nasa 10 pa sa mga biktima ang nasa ospital.

Nakalabas na rin sa bahay pagamutan ang iba dahil hindi naman grabe ang mga sugat na kanilang natamo.

Wala namang naiulat na casualty sa nasabing lindol.

Karamihan umano sa mga nasugatan ay natamaan ng mga nahulog na bagay mula sa mga kabahayan at ilang malalaking buildings tulad na lamang ng canopy.

Ayon kay Phivolcs Regional Dir. Marcial Labininay, tectonic in origin ang lindol kung saan naitala ang sentro nito sa Valencia City.

Nakaranas din ng intensity 4 ang Malaybalay City, ngunit ang Valencia City umano ang siyang naapektuhan, dahil sa pag-crack ng pundasyon ng ilang malaking establisimyento.

Paliwanag ng Phivolcs, bagama’t 5.2 magnitude lamang ang lindol ay malakas ang pagyanig dahil sa mababaw lamang o nasa isang kilometro ang lalim nito.

Sinasabing nakitaan ng malaking pinsala ang Sanitarium Hospital at isang malaking shopping mall sa nasabing lungsod.

Kaya naman ngayong araw ay magsasagawa ng building inspection ang mga awtoridad.

Nauna rito, kinumpirma ni Valencia City Mayor Leandro Catarata na tatlong katao sa kanilang lungsod ang sugatan sa lindol at ilan din sa kanilang mga building ang napinsala.

Nagdulot din ang pagyanig ng landslides sa ilang lugar sa Valencia City.

Napag-alaman na kabilang sa naramdaman ang lindol ay sa Cagayan de Oro at Misamis Oriental na naitala ang intensity 2, habang intensity 1 naman sa probinsiya ng Camiguin.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.