16 Sugatan; 5 Nawawala sa Pananalasa ni Ambo

UMAKYAT NA sa 16 ang sugatan habang lima ang nawawala sa pananalasa ng bagyong Ambo sa bansa.

Base sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga sugatan ang mga sakay ng jeep na nahulog sa bangin sa Sitio Pamangawaw, Barangay Panawel sa Mountain Province.

Sugatan din ang dalawang nabagsakan ng gumuhong riprap ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Barangay San Roque, Antipolo City at ang limang trabahador sa San Mateo, Rizal matapos bumagsak ang pundasyon ng ginagawang tulay roon dahil sa malakas na ulan.

Nawawala naman ang isang 7-taong gulang na bata na nahulog sa ilog sa Cainta, Rizal habang tatlong mangingisda ang nawawala sa Catanduanes at isa sa Romblon.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Benito Ramon, nasagip na ang 30 mangingisda na naunang napaulat na nawawala sa lalawigan ng Catanduanes.

Nawalan ng krudo ang FB Crismar na sinasakyan ng mga mangingisda habang naglalayag pero nahatak na ito at nailigtas ang lahat ng mga sakay nito, dagdag pa ni Ramos.  (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.