16 Pang Kaso, Ihahain ng LP Vs Gov. Garcia

SASAMPAHAN NG Liberal Party (LP) ng 16 na panibagong kaso ng grave misconduct at malversation si suspended Cebu Gov. Gwendolyn Garcia.

Sinabi ni LP-Cebu spokesman Atty. Democrito Barcenas, nasa proseso na sila ng pagbabalangkas ng mga kasong isasampa sa Ombudsman.

Ipinaliwanag ni Barcenas na nag-ugat ang mga ihahaing reklamo sa ilegal na paggamit umano ng Pamilya Garcia ng mga tourist bus ng lokal na pamahalaan upang ibiyahe patungong kapitolyo ang higit 5,000 tagasuporta ng sinuspindeng gobernadora para sa isang prayer rally noong Enero 9.

Samantala, tumanggi na si Barcenas na idetalye pa ang kaso ngunit sa ginawang paggamit pa lang ng mga bus, wala aniyang awtorisasyon ang hakbang mula kay acting Gov. Agnes Magpale.

May mga dokumento mula sa mga lokal na pamahalaan ang paggamit ng mga bus na magpapakita ng tamang prosesong dinaanan nito, ani Barcenas.

Inihayag rin ni Atty. Christina Garcia-Frasco, anak ng gobernadora at bahagi rin ng legal team nito, na hindi aalis ang ina sa kapitolyo anuman ang maging desisyon ng Court of Appeals sa hiling na temporary restraining order (TRO) sa kanyang suspensyon.

Sakali aniyang hindi maging pabor ang resulta, dadalhin nila ang hirit sa Supreme Court (SC).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.