16 Pamilya, Nasunugan sa GenSan

NAGPALIPAS NG magdamag sa Bula Gymnasium ang 16 na pamilya matapos masunugan sa Santiago Subdivision, Bula sa General Santos City pasado alas-6 ng gabi kamakalawa.

Nangyari ang sunog ilang minuto lamang nang mag-brown out dahil umano sa nasindihang kandila.

Ayon sa pahayag ni Federico Alvarez, isa sa mga biktima ng sunog, wala silang naisalbang anumang gamit. Mabilis na kumalat ang sunog sa mga bahay dahil gawa lamang ito sa mga light materials.

Karamihan sa mga apektadong residente ay nagrerenta lang sa nasabing lugar at marami ang nagtatrabaho sa palengke.

Dahil malapit lang sa palengke, kaagad umuwi ang mga nakatira sa naturang lugar pero walang nakuhang mga gamit.

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection, aabot sa P200,000 ang danyos na iniwan ng naturang sunog. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.