16 Oso na Nakumpiska sa GenSan, Ibabalik sa Indonesia

IBABALIK NA sa Indonesia ang 16 cuscus bear na nakumpiska ng mga kinauukulan sa General Santos City mula sa limang tao.

Sinabi ni forester Zozimo Soriano ng DENR-GenSan na ihahatid ang naturang mga endangered species matapos ang 30 araw na quarantine.

Layunin nito na alamin kung wala bang dalang sakit ang mga hayop na ipinuslit sa bansa sa pamamagitan ng pagkarga sa bangkang pangisda.

Kinumpirma rin ni Soriano na nasawi ang isang cuscus bear sa hindi malamang dahilan.

Una rito, sinasabing mabubuhay ang nasabing hayop sa natural habitat nito sa isla ng Sulawesi.

Sa ngayon, nasampahan na rin ng pulisya ang limang suspek na nagpuslit sa cuscus bear ng paglabag sa Wildlife Resource Conservation and Protection Act.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.