16 na Drug Pusher, Laglag

LAGLAG ANG labing-anim na hinihinalang drug pusher sa lungsod ng Navotas sa magkakasunod na buy-bust operation na isinagawa ng Navotas Anti-Drug Abuse Council (NADAC) sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco at PNP Special Anti-Illegal Drug (SAID) Special Operations Group (SOG) noong Marso bilang pagtugon sa mga sumbong ng mamamayan ng Navotas at pagsuporta sa nirebisang Dangerous Drug Act.

Ang nasabing operasyon ay isinagawa sa Barangays Tangos, San Roque, Bagumbayan North, North Bay Bay Boulevard North at North Bay Boulevard South, na ikindakip ng 16 na suspek.

Ito’y matapos atasan ni Mayor Tiangco si Navotas Chief P/S Supt. Conrado Gongon, na itinalaga bi-lang Vice Chairman ng NADAC, muling pinaalalahan ang mga barangay captain na makipagtulungan upang unti-unting masupil ang illegal na gawain sa lungsod at “maiiwas ang masamang epekto nito sa mga gumagamit lalo na sa mga kabataan.”

Nakatakda ring dagdagan ang puwersa ng 6 na miyembro ng SAID-SOG ng 19 pa upang mas mapaigting ang nasabing kampanya bilang pagtugon sa hiling ng punong lungsod at NADAC Chairman.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.