16-anyos, ninakawan ng CP, cash at puri!

DOBLENG KAMALASAN ang naranasan ng isang 16-anyos na college student matapos na pagnakawan ng cellphone at pera ay pinagsamantalahan pa ito ng isang construction worker sa Bgy. Kaypian, San Jose del Monte City sa Bulacan.

Base sa ulat ni SJDM City Police Chief Supt. Joel Estaris na isinumite kay PNP Provincial Director Sr. Supt. Joel Orduna, kinilala ang biktima sa pangalang Risa, 16 anyos, first year college at residente ng nabanggit na barangay.

Habang ang suspek na kasalukuyang pinagha-hanap ng awtoridad ay kinilalang si Kevin Montanios alyas Bugoy, 32 anyos, at nakatira sa 1207 Saint John St. Sampaguita, Malaria, Caloocan City.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-3 ng madaling-araw ng Sabado nang pumasok ang suspek sa bahay ng biktima sa pamamagitan ng pagdaan sa kisame.

Nabatid na nang makapasok sa loob, agad nitong kinuha  ang cellphone at pera ng biktima na nagkakahalag ng P3,000. Kung saan sapilitang dinala ng suspek ang biktima sa loob ng banyo at sinakal ito matapos suntukin nang dalawang beses sa sikmura.

Nagising lang umano ang biktima na wala na ang kanyang suot na short pants at panty.

Samantala, sasai-lalim na sa medico legal ang biktima sa Bulacan Provincial Crime Laboratory Office.

Habang nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga awtoridad para sa ikadarakip ng suspek.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.