16-anyos, Niluray ng Textmate

NAHAHARAP SA kasong Forcibe Abduction with Rape ang isang 27-anyos na binata makaraang ireklamo ng textmate na 16-anyos na dalagita dahil sa umano’y pagpuwersa sa biktima na sumama sa kanya.

Base sa pagsisiyasat, Marso 2 ng kasaluku-yang taon nang maki-pagkita ang dalagita sa salarin  na kinilalang si Roldan Berzabal sa lungsod ng Iriga sa Camarines Sur.

Makaraan ang 16 na araw ay saka lamang nakauwi ang biktima kung saan agad naman na humingi ng saklolo at nagreklamo sa pulisya.

Agad namang nahuli ang suspek sa isinagawang follow-up operation ng pulisya.

Sa pagsisiyasat, napag-alaman na pinilit ng salarin na dalhin ang menor de edad sa bahay nito sa bayan ng Baao.

Depensa naman ng suspek, ginusto umano ng dalagita na sumama sa kanya.

Samantala, sa isinagawang eksaminasyon sa biktima lumalabas na nagalaw ito na mariin namang itinatanggi ng suspek.

Kasalukuyang sumasailalim na sa counselling ang biktima dahil sa trauma na naranasan sa kamay ng ka-textmate.

Napag-alaman din na nakuha ng salarin ang contact number ng biktima nang ianunsyo umano ito sa isang radio station.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.