16-anyos, niluray ng 2 kaanak

GINAHASA NG dalawa nitong kamag-anak ang  isang 16-anyos na dalaga matapos makipag-inuman ang mga ito sa bayan ng San Jacinto, Pangasinan.

Umano’y nakipag-inuman sa kanyang dalawang kamag-anak na lalaki, ang biktima na itinago sa pangalang Angela, residente ng Sta. Maria, at namamasukang kasambahay kay Kagawad Renato Ventura, matapos dumalo ang dalawa sa isang birthday party sa nasabing lugar.

Subalit nang malasing ay saka umano pinagsamantalahan ng mga salarin ang menor de edad.

Nagulat daw ang biktima nang sa kanyang paggising ay wala na itong saplot sa katawan.

Samantala, isinailalim sa medical examination ang biktima at hinihintay na lamang ang resulta ng naturang pagsusuri.                                    (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “16-anyos, niluray ng 2 kaanak

Leave a Reply

Your email address will not be published.