16-anyos na waitress, Ginahasa ng kostumer

HINDI INAKALA NG isang dalagita na ang pag-alis nito sa kanilang probinsiya ang magiging dahilan ng pagkasira ng kanyang kinabukasan matapos itong gahasain ng kanyang kostumer sa pinapasukang videoke bar kagabi sa Caloocan City.

Mangiyak-ngiyak pang nagtungo sa himpilan ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) Caloocan Police, ang biktimang si Jennifer (di-tunay na pangalan), 16, tubong-Leyte, Samar, waitress sa Myles Videoke Bar na matatagpuan sa 6th Ave. 6th St., Caloocan City at pag-aari ng isang Mylene de Luna, upang pormal na magsampa ng reklamo laban sa suspek na nakilala lamang sa pangalang Rey.

Isang follow-up investigation naman ang isinasagawa ng Caloocan Police para sa tunay na pagkakakilanlan sa suspek na mabilis na tumakas matapos ang panghahalay sa biktima.

Sa salaysay ni Jennifer, dakong alas-8:30 ng gabi, pumasok ang suspek sa loob ng naturang videoke bar, sabay kuha ng VIP room at siya ang kinuha nito para maging waitress.

“Pumasok po ako sa silid at kukunin ko na ang kanyang order, subalit pagpasok ko po ay bigla na lamang niya akong niyakap at pilit na pinaghuhubad. Tumatanggi po ako, pero nagpupumilit pa rin po siya at halos sinasakal ako, saka po niya ako hinubaran,” ani pa ng biktima.

Nang wala nang saplot sa katawan ang biktima, sinimulan na siya nitong pinaghahalikan at pinasok ang ari ng suspek sa kaselanan ni Jennifer at nang makaraos na ito ay iniwan ang biktima saka tumakas.

Wala namang nagawa ang biktima kundi magsumbong na lamang sa kanyang kasamahan na si Amy at nagpasama sa nasabing himpilan ng pulisya upang ireklamo ang ginawang kababuyan sa kanya ng suspek.

Ayon pa sa biktima, ni-recruit lamang siya ng kanyang kapitbahay sa probinsiya at pinangakuan ng trabaho na sa buong akala ay waitress, subalit sa kahalayan pa nailugso ang kanyang pagka-birhen. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.