16-Anyos na Sinto-Sinto, Ginahasa ng Manyak na Kapit-bahay

ANGAT, BULACAN – TULALA at halos hindi makapagsalita ang dating masayahing dalagita na umano’y ginahasa ng manyakis nilang kapit-bahay sa Brgy. Marungco sa nabanggit na bayan.

Sa ulat na tinanggap ni P/S Supt. Fernando Villanueva, PNP Provincial Director, na ipinadala sa tanggapan ni P/Chief Supt. Alan La Madrid Purisima, PNP Regional Director, nakilala ang nadakip na suspek na si Mark Anthony Enriquez, 19, kapit-bahay ng biktimang itinago sa pangalang Margie, na may sakit sa pag-iisip.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Felma V. Domingo, naganap ang panghahalay sa biktima nito lamang nakalipas na Nobyembre 25 dakong alas-6:00 ng umaga sa bahay ng suspek.

Nadiskubre lamang ang panghahalay sa biktima nang mapansin ng kanyang amang si Mang Kiko na malungkot at laging tulala ang kanyang anak, na hindi naman nito dating ginagawa. Dahil sa  duda, agad nitong dinala sa pagamutan ang dalagita, dahilan upang madiskubre ang panghahalay.

Agad namang nadakip ang suspek, makaraang umiyak ang bata matapos makita ang pagala-galang suspek ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang tahanan.

(Tony dela Pena)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.