16-anyos, binuntis ni kuya

NASA KAMAY na ng mga kinauukulan ang 22-anyos na lalaki na gumahasa at nakabuntis sa 16-anyos na kapatid at nagtangka pang manghalay sa isa pang menor de edad na kapatid sa Sitio Marubrob, Barangay Majanlud, Sapian, lalawigan ng Capiz.

Ipinahuli ng kanyang mga kamag-anak ang itinuturong suspek na kinilalang si Gerry matapos mabunyag ang ginagawang kababuyan sa mga nakababatang kapatid nang magwala dahil lumisan sa kanilang bahay ang mga ito.

Base sa pagsisiyasat ng Sapian police station, napag-alaman na siyam na buwang buntis si Isabel, 16, na halos dalawang taon ng pinagpaparausan ng suspek.

Kasunod nito ang pagka-kabunyag sa ilang beses na rin na pagtangkang panggagahasa sa 11-anyos na kapatid na si Michelle.

Napag-alaman pa na matagal ng alam ng ina ng mga biktima ang ginagawa ng suspek ngunit itinago dahil sa pananakot at pagbabanta nito.  (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

2 thoughts on “16-anyos, binuntis ni kuya

  1. NAKAKALOKA, GWAPO BA SI KUYA? KUNG GWAPO AKO NA LANG SANA ANG KINALANTARI NYA!!! HALIKA KA KUYA, MAGBARURUTAN TAYO, HAYUP KA!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.