16-anyos, 3 beses ginahasa ng mga ka-tropa

UMIIYAK NA dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang 16-anyos na estudyante kasama ang kanyang ina makaraang tatlong beses siyang gahasain ng tatlong kabataan may apat na buwan na ang nakakaraan.

Sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang ‘Cristela’ ng Brgy. Dakila, kinilala nito ang mga suspek na sina Loreto Ajas, 18 anyos, residente ng Phase 5-C Grand Royale, Brgy. Mojon; Andy, 17; Jay, 17, pawang mga estudyante ng Marcelo H. del Pilar National High School at residente ng Brgy. Mojon at Lugam, Malolos City.

Ayon pa sa biktima, tatlong beses siyang hinalay ng mga ka-tropa. Una nu’ng May 13, 2013, bandang alas-8 ng gabi. Nasundan nu’ng May 18, bandang alas-9 at ang huli ay May 30, bandang alas-9 ng gabi.

Pinagsasalit-salitan umano siya ng tatlo sa isang kubo sa likod ng bahay ni Andy sa Brgy. Lugam.

Ayon sa biktima, nahuli lamang ang kanyang pagsusumbong dahil sa takot sa sasapiting kahihiyan.

Nakatakdang kasuhan ng Rape in relation to RA 7610 at Rape in relation to RA 9344 ang mga suspek.

 (TONY DELA PEÑA)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.