1,500 Plaka ng Sasakyan, ‘Di Tinutubos sa Makati

PINADALHAN NG Legal Department ng pamahalaang lungsod ng Makati ng legal summons ang mga may-ari ng mga hindi tinutubos na plaka ng sasakyan na umabot na ng 1,500 na nakumpiska dahil sa paglabag sa “smoke belching law”.

Sinabi ni Makati Mayor Junjun Binay na pupu-wersahin nila ang mga pasaway na may-ari ng mga plaka na tubusin ang mga ito at bayaran ang kaukulang multa base sa isinasaad ng batas.

Sa ilalim ng Republic Act 8749 o Clean Air Act, lahat ng operator at drivers ng mga sasakyang mahuhuli dahil sa smoke belching ay binibigyan lamang ng 72 oras para tubusin ang plaka ng kanilang mga sasakyan at bayaran ang mga multa.

Sa unang paglabag, P1,000 multa; ikalawang paglabag, P2,000 multa; at ikatlong paglabag- P3,000.  Kinakailangan rin na pumasa muna sa smoke emission testing ang kanilang mga sasakyan bago mabayaran ang mga multa.

Base sa report ni Makati Pollution¬ Control Office (MPCO) head Ricardo Suarez¬, upang makaiwas sa pagbabayad ng multa, kumukuha ang mga pasaway na mga may-ari ng mga plaka ng “affidavit of loss” upang palabasin na nawala o ninakaw ang nakumpiska nilang plaka.

Isinusumite nila ito sa Land Transportation Office (LTO) para sa pag-renew ng kanilang rehistro at makakuha ng bagong plaka.

Samantala, inatasan naman ni Binay ang MPCO na makipag-ugnayan sa LTO upang mamonitor ang mga may-ari ng mga plaka na mag¬re-renew ng rehis-tro ng kanilang sasakyan upang mapigilan ang mga ito at masampahan ng kaukulang kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.