150 Pamilya, Nasunugan sa Mandaluyong

MAHIGIT 150 pamilya ang nawalan ng bahay sa isang sunog na tumupok sa residential block sa Mandaluyong City kamakailan.

Base sa report ni SFO1 Louie Abenales, dakong alas-9:20 ng gabi nang magsimula ang sunog na tumupok sa tinatayang may 30 bahay sa Abelas Compound sa Brgy. Mabini J. Rizal sa Mandaluyong City.

Umabot ng ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang naapula dakong alas-10:30 ng gabi.

Sa pagtaya ng mga kinauukulan, aabot sa mahigit kalahating milyon ang halaga ng mga ari-ariang natupok sa sunog. Walang nasaktan o namatay sa naturang insidente.

Samantala, sinisiyasat na ng mga kinauukulan ang report na ang sunog ay nagsimula umano sa bahay na pagma-may-ari ng isang Delia Suan, kung saan nanunuluyan ang isang Corazon Ladrera.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.