15 Undocumented OFWs na Inaresto sa Saudi, Itinanggi ng DFA

MARIING PINABULAANAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may nadakip na 15 undocumented OFWs sa Saudi Arabia.

Ito ay matapos ang kumpirmasyon ng mga tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa walong istasyon ng pulis sa Riyadh.

Ayon kay DFA Spokesperson Raul Hernandez, umabot na sa 157,694 Pinoy ang nakapag-update ng kanilang status sa trabaho sa Saudi.

Sa repatriation naman, pinoproseso na ang 26 undocumented Pinoy habang nakapagpauwi na ng 4,613.

Samantala, sinabi ni Hernandez na umabot na sa $2.4M o mahigit sa P100M ang nagastos ng DFA para sa undocumented OFWs.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.