15 tripulante at kapitan, arestado sa illegal fishing

NAKAKULONG NGAYON ang isang kapitan kasama ang 15 tripulante sa kasong illegal fishing o paglabag sa Repulic Act 8550 o Philippine Fisheries Code of 1998 matapos mahuli sa aktong iligal na pangingisda.

Ayon kay Sr. Insp. Roman Brugada, ang deputy chief of police ng PNP Tinambac, sinabi nitong kabilang sa mga kinasuhan ay ang kapitan na si David Miranda ng Mercedes, Camarines Norte dahil sa paggamit ng bangkang buli-buli sa karagatang sakop ng Barangay San Antonio, Camarines Sur.

Ang buli-buli ay isang malaking bangkang mahigpit na ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) dahil sa nasisira nito ang mga lamang-dagat na nadadaanan sa ilalim ng tubig. Bukod pa aniya sa pinong lambat na ginagamit ng nasabing mga tripulante sa paghuli ng isda.

Dahil dito, maging ang may-ari ng FV KC 2 na si Serafion Villapando at iniharap din sa kaparehong kaso.

Labis naman ang pasasalamat ng PNP Tinambac sa Bantay Dagat na siyang nakahuli sa mga suspek.

Sa ngayon, inaayos na umano ng mga awtoridad ang kagamitang pag-aari ng mga suspek upang mai-turn over na sa korte.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.