15 sugatan sa truck na sumagasa sa bato

LABINLIMANG KATAO ang sugatan nang sumalpok sa malaking bato ang sinasakyan nilang truck sa bahagi ng kanlurang baybayin ng Zamboanga City.

Sa ulat ng Zamboanga City Police Station 10, naganap ang insidente dakong 2:30 ng hapon sa Barangay Sinubong.

Binabaybay ng truck van na pag-aari ng Nancy Fishing Corporation at minamaneho ni Richie Hipiga nang daanan nila ang malaking tipak ng bato.

Dahil dito, nabuksan ang pintuan ng truck van dahilan para mahulog ang lulan nitong mga pasahero na aabot sa 50 katao.

Ang mga nasabing pasahero ay empleyado ng fishing firm kung saan 15 sa kanila ay matindi ang mga sugat.

Kinilala ang mga ito na sina Julmin Sabarang, 16; Vickson Aramain, 18; Julmakin Jarali, 17; Noel Bustamante, 20; Nicko Maugara, 16; Joel Manolis, 18; Ardin Jambiran, 28; Joselito Francisco, 32; Rogar Diba, 31; Jan-Jan Musad, 14; Ivin Huyoa, 17; Noel Fernando, 37; Jaime Ventura, 18; Melvin Ventura, 27; at  Ricardo Rondina. (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.