15 Produkto ng Taiwan, Pina-Ban

INANUNSIYO NG Food and Drugs Administration (FDA) ang pagbawal sa 15 mga food product mula sa Taiwan na sinasabing nakitaan ng kontaminadong acid na kadalasan ay ginagamit sa pag-manufacture ng plastics at automobile parts.

Base sa advisory ni FDA acting director Dr. Kenneth Hartigan-Go ang naturang mga produkto ay nakumpirma ng ahensya na may tinatawag na “maleic acid” na hindi umano rehistrado sa ahensya para ibenta sa Pilipinas.

Nabatid na ang maleic acid ay ginagamit sa paggawa ng synthetic resins para sa pag-manufacture ng plastics at automotive parts na maaaring mapanganib sa kidney.

Kabilang naman sa mga naka-ban na mga produkto mula Taiwan ay ang: Hong Tapioca Starch, Redman Black Tapioca Pearl, Sun Right Indica Rice Powder, Top 1 Tapioca Pearls, Tea World Tapioca, Starch Ball, Unbranded Starch Ball, Ding Long Tapioca Pearls, Sun Chi Noodles, T & M Resources Corp Tapioca Pearls,  Pure Tea Tapioca Pearls (White), Pure Tea Tapioca Pearls (Black), Full Free Green Tea Tapioca Ball, Full Free Yam Tapioca Ball, Long Kow Vegetarian Instant Rice Noodle at Long Kow Rice Noodle with Thick Soup.

Ang nabanggit na mga produkto ay kontaminado ng asido at napatunayan sa isinagawang test at report ng Agri-Food and Veterinary Authority sa Singapore.

Samantala, magpapatuloy ang gagawing monitoring ng FDA sa mga food product mula sa Taiwan dito sa Philippine market.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “15 Produkto ng Taiwan, Pina-Ban

  1. Excellent items from you, man. I have take note your stuff prior to and you
    are just too excellent. I really like what you’ve bought here, really like what you’re saying and the way through which you assert it.
    You’re making it entertaining and you continue to care for to stay it sensible. I can not wait to read far more from you. That is actually a tremendous site.

Leave a Reply

Your email address will not be published.