15 Pinoy na Nagkampo sa Saudi, Sumugod sa DFA

SUMUGOD SA Department of Foreign Affairs (DFA) ang 15 sa mga Pinoy na nakauwi na ng bansa matapos magkampo sa Jeddah at Riyadh, Saudi Arabia.

Ang mga ito na tumira sa tent city ay nag-rally kasama ang grupong Migrante International upang ipanawagan ang mabilisang pagpapauwi sa mga kababayan na nanganganib pa rin sa crackdown ng Saudi government.

Sinabi ni Migrante Chairperson Gary Martinez na nasa 100 overseas Filipino workers (OFWs) pa ang nasa Riyadh habang mahigit 5,000 ang nasa Jeddah.

Binatikos ng Migrante International ang paunti-paunting pagpapauwi sa mga Pinoy, dahil inihihirit nila ang mass repatriation.

Hanggang sa Hulyo 4 na lang anila ang ibinigay na palugit ng Saudi bago ipatupad ang crackdown laban sa mga illegal worker.

Inaasahan namang da-rating na mamayang gabi ang labi ng OFW na si Eliseo Araneta na nasawi sa Jeddah habang naghihintay na mapauwi.

Bineberipika naman ang ulat na may isa pang OFW ang namatay kamakailan.

Samantala, nagpaabot din sulat ang 15 Pinoy kay DFA Sec. Albert del Rosario para i-recall, siyasatin at parusahan si Philippine Ambassador to Saudi Arabia Ezzedin Tago.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.