15 Partylists, Ipinapatanggal sa Comelec

IPINAPATANGGAL NG grupong Kontra Daya sa Commission on Elections (Comelec) ang 15 partylist groups na kasalukuyang nakaupo sa Kongreso at may balak tumakbo sa 2013 elections.

Ayon kay Atty. Julius Matibag ng Kontra-Daya na naisumite na nila sa Comelec ang listahan ng mga grupong nais nilang alisin sa Kongreso at ibasura ang akreditasyon.

Kabilang anya rito ang mga sumusunod: Ako Bicol (AKB); Aangat Tayo; A Teacher; Buhay Partylist; Ang National Coalition of Indigenous People’s Action Na! Inc. (ANAC-IP); Alliance Advocating Autonomy Party; Agricultural Sector Alliance of the Philippines; You Against Corruption and Poverty (YACAP); Arts Business and Science Professionals (ABS); Senior Citizens; Bantay Partylist; Abot Tanaw; 1 Joint Alliance of Marginalized Group (1JAMG); Pasang Masda at Manila Teachers’ Savings and Loan Association, Inc. (MTSLAI).

Katuwiran ng poll watchdog, “Ang ground namin ay basically, ‘yung nakalagay sa Comelec Resolution No. 9513 issued by the Comelec en banc on August 2 2012… Malinaw na nakalagay d’un… first, the political party must represent the marginalized and under represented groups.”

Dapat ay parehong kumakatawan sa marginalized sector ang representative at buong partylist, giit pa ng nasabing

grupo.

Sa kaso aniya ng Pasang Masda, hindi naman ang buong grupo ang kanilang pinadidiskuwalipika kundi ang nominadong representative nitong si Atty. Ferdinand Topacio.

Dapat ang mga kandidato sa pagka-partylist ay hindi pinopondohan ng gobyerno, ani Matibag.

Dapat din aniyang sumusunod sa patakaran at alintuntunin ng batas hindi lamang ang kinatawan kundi ang buong grupo.

Una na rin silang humirit sa Comelec na tanggalin ang ilan pang partylist pero inisyal lamang iyon, dagdag pa ni Matibag.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.