15 OFW, Timbog sa Saudi Crackdown

LABINLIMANG OVERSEAS Filipino worker (OFW) ang naaresto ng Saudi authorities sa crackdown na inilunsad noong Nobyember 4 sa iba’t ibang lugar sa Saudi Arabia.

Inireport ng Migrante-Middle East and North Africa (M-MENA) na natimbog ang 15 manggagawang Pinoy sa ika-anim na araw ng crackdown sa mga illegal migrant.

Base sa report ni M-MENA coordinator John Leonard Monterona na siyam na OFW ang inaresto sa Riyadh habang anim ang dinakip sa Jeddah.

“The 9 undocumented OFWs were nabbed along the 376 illegal migrants that were apprehended by Saudi authorities during separate raids in Manfouha and Haraj districts on November 5 and 6, respectively,” ayon kay Monterona.

Napag-alaman na hini-ling ni Monterona sa Philippine Embassy at mga consulate office sa Saudi Arabia na kaagad magsagawa ng jail visitation upang malaman ang kondisyon ng mga manggagawang Pinoy at para sila matulungan na mapauwi sa bansa.

Ayon kay Monterona, kapag naaresto ang undocumented migrant, pinapatawan ito ng anim hanggang isang taong pagkakakulong at pagbabayad ng halagang mula 12,000 hanggang 20,000 Saudi Arabia rial na kahalintulad ng P139,000 hanggang P230,000 depende sa tagal ng illegal na pamamalagi nito sa nabanggit na bansa.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs(DFA) na may 5,000 undocumented OFW na repatriated simula noong Nobyember 6 at may 1,600 pa ang naghihintay ng repatriation habang ipinoproseso pa ang papeles sa Saudi labor offices.

Samantala, noong kalagitnaan ng Abril, inihayag ng Department of Labor and Employment (DoLE) na may 10,000 hanggang 12,000 undocumented OFW sa Saudi Arabia habang ang Commission on Overseas Filipinos ay nagsabing may 100,000 undocumented OFW sa oil-rich Kingdom.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.