15-Minutong Pahinga Kada 2-oras ng mga Sales Lady, Pinuri

PINURI NG grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) ang panukalang batas sa Senado na nagsusulong ng 15-minutong pahinga kada dalawang oras ng mga sales lady na nagtatrabaho sa mga mall.

Ayon kay KMU Vice Chairman for Womens Affairs Nitz Gonzaga, ang panukala ay isang hakbang para maisulong ang pangkalahatang kapakanan at karapatan ng mga manggagawa sa mga mall.

Sinabi pa ni Gonzaga na isang matapang na hakbang ang ginawa ni Senadora Nancy Binay dahil makababangga niya sa pagsusulong ng panukala ang malalaking kapitalista at mga negosyante sa bansa.

Sa ngayon, nakapaloob sa Section 132 ng Labor Code sa bansa na may kabuuang isa’t kalahating oras lamang na pahinga ang mga sales lady.

Nangangahulugan ito ng tig-15 minutong pahinga sa umaga at hapon habang isang oras na lunch break sa kabila ng buong araw na nakatayo habang nagtatrabaho.

Samantala, umaasa rin ang grupo ng mga manggagawa na susuportahan din ng mambabatas ang pagbuwag sa kontraktuwalisasyon at pagsusulong ng P125 across the board wage increase.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.