15 menor, iniligtas sa prostitution

LABINLIMANG KABATAANG BABAE mula lalawigan ng Bohol na planong ga-wing sex workers ang nailigtas mula sa isang illegal recruiter sa Cebu City.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga inaresto na sina Emma Yotado at anak na si Cheryk Yokadio na pawang residente sa lalawigan ng Bohol.

Ayon sa Cebu Maritime Police at International Justice Movement, inalok umano ng mga suspek ang mga biktima ng magandang trabaho sa Maynila.

Galing pa sa Bohol ang mga biktima at dumaan sa Cebu at patungo na sana ng Maynila nang masita ng mga awtoridad.

Dahil dito, posibleng sampahan ng kasong paglabag sa anti-trafficking law ang naturang mga suspek.

Iginiit naman ng mga akusado na kapamilya nila ang mga na-recruit na mga biktima.

Sa ngayon ay nasa piitan na ng Cebu City Police Office ang mag-inang akusado. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.