15 katao, Sugatan sa Banggaan ng 2 Jeep

UMAABOT SA 15 katao ang sugatan matapos magbanggaan ang dalawang jeep sa Sumulong Highway sa Antipolo City.

Batay sa ulat, nawalan ng preno ang nasa likurang jeep kaya’t nasalpok nito ang nasa kanyang unahan.

Parehong may biyaheng Antipolo-Cubao ang nasabing dalawang jeep.

Samantala, wasak na wasak ang harapan ng nakabanggang jeep.

Sinasabing naglalakad at nadamay lamang ang dalawang biktima mula sa 15 nasugatan sa nangyaring insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.